Walang Sikretong Hindi Nabubunyag!
Unless sobrang careful ka. Na wala ka talagang pinapalampas kahit katiting na butas.
Okay. So eto. Last Friday night, I went to Beau's house. (His niece celebrated his 9'th birthday last Sunday.) Beau asked me to spend the weekend there.
So siyempre, pumayag naman ako. Nagsabi ako kay number two na pupunta ako doon sa Las Pinas. Sabi ko wag muna sya magtext... So on, so forth. Pumayag naman. With some drama muna.
Friday night went fine.
Eto na.
Saturday ng hapon.
Nakahiga kami ni Beau. Biglang nagvibrate si phone. Edi naalarma naman ako. Nag-agawan kami. Nung medyo nakatalikod na ako, nabasa ko, sa kanya pala galing! Nagdadrama ng kung ano ano! "Syet!" isip ko.
Basta mahabang agawan ang nangyari. Nakalusot na ako, pero strike one na kay Beau.
2nd incident. Same night din to.
Nagiinuman yung ate at kuya niya. So join lang kami. (okay na kami neto.)
Bukas wifi ng ate nya. So, nakifacebook ako sa cellphone niya. Pinahiram naman niya. Pagkatapos ko na magfacebook, binalik ko na. Tapos, nalimutan ko pala i logout! Syet.
E may message doon si number two na mga sweet nothings!
Pinilit ko na agawin yung phone sa kanya. E hindi ko kaya. Galit yata kaya malakas na.
Nagwalk out sya. Hinabol ko papuntang sala.
Sinabi nya, mahina...
"Niloloko mo ako."
Sabay hagis ng phone niya.
Shempre ako alibi ever na. Panic na e.
"HINDI! HINDI! Naging kami nyan nung nagbreak tayo!" (mga two days lang kami naghiwalay nun e.)
"Bakit ako, pag nagbibreak tayo, di ako naghahanap ng iba? Kasi alam ko maaayos din tayo."
(umupo na sa sofa. Naiiyak na)
"Sorry na... Aalis na ako bukas, first day in the morning. Sana wag mo na lang sabihin kila ate na ganito yung ginawa ko..."
"Hindi ka aalis. Aalis ka bukas pagkatapos ng party. Ihahatid kita sa inyo. Saka wag ka magalala. Di ko sasabihin kila ate. Di ako ganun na sisiraan ka. Ang ganda ganda ng sinabi ko tungkol sayo tapos sisirain ko lang din pala?"
"Sorry uli.." (hikbi ever. pero di ko mafeel yung drama ko. Medyo may tama na kasi ako nun e.)
"Alam mo, buti di mabigat yung kamay ko sa mga babae... Kung ibang lalaki ka siguro, baka nasaktan ka na. Alam ko, di ako ganun kaperpekto kaya ka naghahanap ng iba. Alam ko, malaki yung age gap natin, di ganun kalaki yung sweldo ko para mabili ka ng lahat ng gusto mo. Pero tinatry ko pa rin diba... Nagiipon ako. Okay lang na hiwalayan mo ako. Pero sana di sa ganung paraan."
Okay. Naiiyak na ako. To cut the story short, nagkabati kami ni Beau. Nagpromise ako na di na ko maghahanap ng iba uli. Tapos magbebehave na ako.
Kaya ngayun, blocked na si number two sa fb, saka iba na sim ko.
Magbebehave na nga ako. Habang siya pa si Beau. <3
LaSallista @ 02:48 PM on January 24, 2011 .
